Philippine Flag
Ano nga ba ang ibig sabihin ng wikang Filipino? Ano ang layunin ng isang wikang bansa? Kailan ito nag simula? Sino ang pumili ng Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika sa Pilipinas? Sino ang hinirang "Ama ng Wikang Filipino"? At kung papaano nagkaroon ng maraming katutubong wika ang bansang Pilipinas.
Ayon sa wikipedia, ang wikang Filipino ay ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas at ang isa pa ay ang wikang Ingles (Ayon sa Saligang Batas ng 1987). Ang pagpapalaganap ng pagkakaisang pambansa, ang pagkakaroon ng heograpiko at pulitikal na pagkakapatiran, at maging nag pagkakaroon ng isang sumasagisag na pambansang wika ng isang bansa ay ang mga layunin ng isang wikang bansa tulad ng Pilipinas.
Umusbong ang diwa ng pagkakaroon ng isang Wikang Pambansa sa Pilipinas noong balik-tanawin ni Pangulong Manuel Quezon noong 1925 ang isang damdamin ng pagkabigo ng pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal nang hindi nito magawang makipag-ugnayan sa isang kababayan niyang babae habang sila ay nasa isang bangka patungong Europa.
Ayon ulit sa wikipedia, noong Nobyembre 13, 1936, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika.
"Ama ng Wikang Pambansa"
Hinirang "Ama ng Wikang Pambansa" naman si Pangulong Manuel Quezon dahil sa pagsusumikap niya na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan. Eto ang mga ginawa niya para sa wikang Filipino:
Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."
Ipinalabas ni Pangulong Quezon noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa."
Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa.
Ang Pilipinas ay nagkaroon ng maraming katutubong wika at ayon narin sa isang mulat na kritiko na si Isagani R. Cruz ay "isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas." dahil ang Pilipinas ay isang arkipelago.
Para sa akin, ang wikang Filipino ay ang wikang dapat nating pinangangalagaan o mahalin at ginagamit sa tama dahil madami pa ang nangyari bago ito maging pambansang wika.